libre lang mangarap, walang hanggan ang pag hiling. maganda sa mga bata ang may pangarap, atleast meron syang target sa buhay.
nung bata ako, simple lang gusto ko pag laki ko, nagtanong yung teacher ko, sabi niya, "alam niyo n ba kung ano gusto niyo paglaki niyo?" sabay sabay kami ng mga classmates ko nun, "ooooppppoooooooooooooooo" taas pa ko ng kamay na parang matatangal na yung braso ko, "o sige laurence, ano gusto mo paglaki mo?" sabi ng teacher ko, proud na proud pa ko, "gusto ko pong maging SALBAHENG BATA balang araw" pasigaw pa yown! . sabi ng teacher ko sabay tapik sa balikat ko, "bakit mo naman gusto maging salbahe?" sabi ko kasi gusto ko lang, pero sabi niya, hindi ka pede maging salbahe anak, dahil mabait ka, sadyang mabait ka at hindi ka magiging salbahe. sabi ko sayang naman, kasi yun talaga ang pangarap ko e, pero talagang hindi, napansin ko din yun nitong mga nakaraan araw e, hindi ko talaga kaya maging salbahe.. hay nakoo life nga naman..
*babala: ang mga nabasa niyo ay sadyang kathang isip lamang at bunga lang ng wala magawang blogger na tulad ko, kaya wag na kayo magtanong kung totoo nga yun, dahil hindi.. nyahahaha*