Monday, December 29, 2008

PINOY RESTAURANT?





PERO JAPANESE YUNG LANTERNS NILA.. LOLZ

Saturday, December 27, 2008

HAPPY OR SAD? ewan ko din..




December 22 2008.. ang pinaka masayang araw ng aking taon 2008 dahil nakita ko din ang matagal ko nang hinihintay makita.. maagang pamasko ang natanggap ko at yun ang pinaka the best na pamasko na natanggap ko.

ni hindi ako kinabahan dahil sobrang excited kong makita sya at nung nakita ay talaga namang hindi ko matanggal ang ngiti sa mukha ko.. kahit burahin mo ng correction ang fluid e makikita mo pa din ang bakas ng kasiyahan sa mukha ko.. kahit lagyan mo ng maskarang malungkot ang mukha ko e sasaya ito dahil sa mahuhulma ang naka ngiti kong mukha.. buong araw akong masaya dahil kahit na medyo malayo ang aking bnyahe eh sulit na man,, mas sulit pa sa coke sakto.. kaya ayun ang saya saya talaga at nag picturan pa kami.. halos ayoko alisin sa ang mga mata ko sa pagkakatingin sa mga litrato dahil sobrang priceless na moment na yun at tila isa sa mga higlight ng aking taon.. hindi ko pa din maloko ang sarili ko na hindi ko na sya gusto. talagang gusto ko pa din sya hanggang ngayon pero meron na syang pafi so wala na talaga.. hindi ko naman gusto mang gulo ng relasyon dahil sa kasakiman ko kaya eto na naman ako at mag bbbye na naman sa kanya.. atleast nakapunta sya dito sa texas at nagkta kami. talagang maganda ang pamasko sakin ngayong taon.
pero nung pauwi na ko, bigla nalang dumaan ang kidlat sa aking isipan sa pag uwi niya sa pinas ay magkikita silang muli.. masaya isipin sa kanya yun pero sa aking panig e hindi ko maintindihan kung sasaya pa ko o kung ano pa man.. biglang nawala ang mga ngiti sa aking mga labi at nag isip hanggang makauwi ako.. hindi ko maintindihan, panandaliang saya lang pala.. haiz... pero salamat pa din ...

Friday, December 12, 2008

nag isno nag isno nag isno

dec 10 2008, nasaksihan ko ang pag buhos ng maliliit na yelo mula sa alapaap. ang saya saya ko dahil ito ang isa sa mga pangarap ko bukod sa pangarap kong maging salbaheng bata nung maliit pa ko. wala kong pakelam kahit isipin ng mga tao na mukha kong tanga at ignorante, ito ang unang beses ko naka kita ng isno at dito pa sa texas kung saan nasa south na state ng amerika. dahil ang oras ay hapon, medyo madali silang natutunaw pag lumalapat na sa isang mainit na bagay, lalo na skin kasi ako ay "hot".. lolz,, haha.. pero seryoso, madali syang natutunaw sakin dahil sa lakas ng kapangyarihan ko ay bago pa man dumikit skin ang isno ay tunaw na ito. isang sumpa at biyaya ang aking kapangyarihan, pero balik tayo sa isno. nung kinagabihan na ay tuloy pa din ang pag buhos ng maliliit na butil ng yelo at dahil kakaunti lang sila, hindi sila naiipon at hindi din pede gumawa ng isnoman, siguro isno langgam lang at tyak na hindi pa ito magtatagal dahil maliit lang talaga sya. ang saya saya talaga nun kaya ngayon, gusto ko pumunta sa colorado at mag isnobording..

double dead

unang araw ko sa trabaho e pinairal ko agad ang katangahang palad ko. nag suot ako ng sapatos na sukol ang paa ko sa trabahong puro lakad ang ginagawa, ang resulta, patay na kuko. tama patay na kuko nga, kamakailan lang e umiral na namang ang katalinuhan ng kamoteng kukote ko. hindi pa nga nag re-resurect ang patay na kuko e eto naman ako, nag basketball ng ang sapatos ko e pang tennis. wala naman talaga kong balak mag basketball e, pero nung nakita yung kaklase ko sa isang class ko e nilapitan ko, hindi dahil gusto ko mag basketball kundi may chicks at gusto ko lamang maka iskor na malapitan, SLAM DUNK ika nga ng mga tambay samin, swak na swak. at eto pa ang maganda, nung niyaya ako maglaro ng basketball e yung chikas pa ang nagbabantay sakin, aw ang sarap kaya hindi ko naramdaman ang dahan dahang pag panaw ng aking kuko sa hinlalaki dahil puro kaligayan sa pang taas na katawan ang naratamdaman ko. eto na ngayon ang kalagayan niya, walang kabaangong, ayaw din tanggapin ng palengke dahil double dead daw, kaya ayun, itatago ko nalang sya at aalagaan dahil umaasa ko na muli pa syang mabubuhay..