makalipas ang humigit kumulang isang taong hindi pag bblog (OA) ay eto ako ngayon at mag uupdate ng aking site.. marami rami akong gustong isulat kaya lang sa sobrang dami ay di ko na matandaan lahat kaya ang isusulat ko nalang ay ang tungkol sa pag uwi ko sa pilipinas.
umpisahan ko sya sa pag alis ko ng houston..
ika-5 ng mayo dos mil nueve ang araw ng aking pag lipad mula sa banyagang lupa papunta sa aking mahal na pilipinas. hindi ko alam pakiramdam, parang sabik ako na kinakabahan na
natatae at kung ano ano pang halo halong pakiramdam (may kaong, nata de coco, leche flan, ube tsaka sago) ang aking nadama. hinatid ako ng aking mga kaibigan sa pandaigdigang paliparan ng houston sa estados unidos, ang saya saya, andami kong dala, sa dami ng dala ko nag over baggage ako, FML!! iniwan ko pa yung mangilan ngilan kong tsokolate na dapat ay iuuwi ko sa pilipinas at mangilan ngilang damit na din. nadugas ako nung timbangan namin sa bahay o sadyang pinagtitripan lang ako ng tadhana para mag mukhang tanga ko sa airport pero salamat na dn at nakapag dala pa dn naman ako ng konting pasalubong para sa aking mga kamag anak sa pilipinas.
15 hours ang flight ko. sabi ko sa sarili ko,, wow astig to, papunta kong qatar, malamang ay maraming magagandang middle eastern akong makakasabay at mabubusog ang mga mata ko sa ganda ng mga flight attendant sa sasakyan kong eroplano. pag sakay ko sa eroplano, gumuhong na parang dinidimolish na building ang aking mga expectations, malamig ang pawis ko, (pakiramdam ko ang maputla ang background ko). kasabay ko ang mga kaibigan nating mahilig kumain ng curry (alam nio na kung sinong tnutukoy ko). sa mga makakabasa, wag naman ninyo sanang mamasamain ang ibig kong sabihin, gusto ko lang ipahayag ang aking nadama nung mga oras na yun,, gusto kong umiyak at maglupasay sa sahig dahil wala kong nakita kahit 1/4 na babae na type ko. lahat sila ay mabango at mabango.. ganon nalang..
kinse oras, mantakin mong kinse oras ko sila kasabay mula houston hanggang qatar.
kinse oras kong naaamoy ang
nakakagutom na amoy ng curry.. oo?? hindi.. kala niyo lang yun,, ibang curry ang pinag uusapan natin dito,, ang curry na sinasabi ko dito ay parang curry na minumog magdamag nilagay sa baso at minumog pa ult knabukasan.. ewan ko kung ganong nga ang amoy pero sa tingin ko magiging ganon ang amoy.. (try niyo).. kinse oras kong tiniis ang sakit ng ilong ko sa pag langhap ng amoy na yun. kinse oras,, parang dumikit na nga sa suot kong damit yung amoy e, para naman di masyadong sumama ang loob ko, inisip ko nalang yung dadatnan ko sa qatar, fresh air, mabango at preskong hangin.. ahaii sarap.. di epektib..
at sa wakas, pagkatapos ng kinse oras na paglipat mula sa pandaigdigang paliparan ng houston, nakarating na kami sa doha qatar..
...itutuloy sa sunod na update