Friday, November 7, 2008

Alaala ng High School

Hindi naman siguro kaila sa ating lahat na kapag nakakaamoy tayo ng isang bagay e may na-a-lala tayo. ewan ko kung kung wirdo lang ako dahil chemicals ang naaamoy ko pag naaalala ko ang aking masasayang araw nung high-is-cool.

nasa trabaho ako (sa stockroom) at nagkataong may kelangan kuhanin sa lugar kung saan nakalagay ang mga kemikals na tinitinda ng store na pinag tatatrabahuhaan ko. may mga amoy ng sabon, air freshener, tae at kung ano ano pa. nasinghot ko ang mga yun at sa hindi maipaliwanag na pangyayari, bigla ko nalang naalala ang mga pakiramdam nung ako ay nasa hi-is-cool pa.. siguro na high lang ako pero ang saya ng pakiramdam at masaya ulit ulitin, hindi ito drugs kung yon ang naiisip niyo, ito lamang ang nagsama samang amoy nung mga kung ano ano sa lugar na yun. ang sarap talaga ng pakiramdam, para kong damit na nakasampay at hinihipan ng hangin at amoy downy.
hmmm..

isa pang nakapag paalala sa aking mga hi-is-cool days ay ang mga amoy ng kandila sa lugar kung saan matatagpuan ang mga stationaary.. ambango dn nila, parang ang sarap nga kagatin e, pero hindi pa ko ganun ka tanga pa gawin un, siguro meron silang nilalagay sa mga yun para maibalik ang alaala ng mga tao. naisip ko tuloy kung ipaamoy un sa mga taong may insomia amnesia para bumalik ang kanilang alaala.

masaya ang mga araw ng aking skwela noon at dahil masaya un, babalik balik ako sa lugar na un, para umamoy amoy at maaalala ng pa ulit ulit ang mga bagay.. haaaaayy.. sarap (singhot!!)

No comments: