Thursday, August 28, 2008

Greenpinoy for Project-Laffapalooza 2008

Hindi ibig sabihin ng halimaw na blog e literal na halimaw na may 5 ulo benteng daliri sa kamay at paa at kung ano ano pa.. nasabi kong halimaw to dahil isa ito sa mga pinaka astig na blog na napuntahan ko sa lahat lahat.. naalala ko pa nung una kong bumicta sa www.greenpinoy.com, inosente pa ko sa mga bagay bagay, tulo pa ang uhog ko nun at ayos lang na magtatakbo ko sa kalsada ng hubo't hubad at mag hurementado at mag paikot ikot ng nakahiga sa karsada, pero simula ng makapag basa ko sa greenpinoy.com,, wala lang, wala dn nagbago, nakpag basa lang ako,, nadagdagan lang ang kaalam ko sa mga bagay bagay at kasabay nun ay nagkaroon dn ng mga bagong kaibigan. hindi ko pa sila nakikita ng personal at kumpletong stranghero (complete stranger) pa dn ako sa knla kung sa personal.. masasabi kong hindi lang isang astig na blog site ang greenpinoy.com, nag evolve na dn to na parang pokemon, sa pagtulong sa mga ibang tao. garantisado ang kasiyahan dito at patok sa takilya ang mga jokes, mga jokes na hindi ko inaasahang nag eexist pala sa face ng earth.. at dahil dito, sya ang #1 sa listahan ko sa paligsahan ng Project Lafftrip Laffapalooza 2008 na ang patay na linya (deadline) ay basahin nio nalang dun mismong site..

LONG LIVE GREENPINOY!! SEMPER FI!!

Thursday, August 7, 2008

is this love?



This entry is inspired by one of the songs of the great robert nesta marley.

Is this love?
When you stay late at night thinking about a girl that your not even sure if she's thinking about you?

Is this love whenever you wake up early in the morning, tired because you stay up all night just to wait for her and hoping that you would be able to get a chance to talk to her or to hear her voice that echoes in your head the whole time you’re thinkin of her?

Is this love if you get hurt whenever she gets hurt or not feeling well and you can’t do anything to help her or cheer her up or to be her crying shoulder whenever she wants to cry

Is this love when you want to spend your time with her watching the sun set and wanna hold her hands and never let it go?

Is this love?

Chiksilog


MAKAKAPALAG KA KAYA JAN?

Dito ko na experience ang nilalaman ng kanta ng kamikaze na chiksilog nang pauwi ako galing texas papuntang louisiana.

Nakaupo na kani ng aking mahal na ina sa aming upuan sa loob ng bus nang may nakita kaming babae na palapit sa aming inuupuan. Naka suot sya ng shades na malaki na tila sya ay isang babaeng sophistikada. Habang papalapit sya sa amin, hindi namin mapigilang mapansin sya. Hindi naman kami mapapansin na naka tingin sa kanya dahil meron dn naman kaming sout na shades.

Nang makaupo na sya sa kanyang upuan e napa OMGWTFLOLZ kami ng mami ko pero tahimik lang naman at hindi naman gaanong obvious pero siguro nagtataka duin ang mga katabi namin kaya napatingin sa direction na tini din nila maitago ang kanilang WTFOMGLOLZ.. Isa syang chiksilog, isang chik na may itlog. Itim ang kanyang lahi , mga 5'10" ang taas at tila tumitimbang ng 170 lbs. Mukhang kaya nya ko patayin ng suntok lang dahin sa mga braso niyang parang hita ko na sa laki at hindi lang malaki dahil bukol bukol pa ito na parang tumitira ng 150 lbs para sa biceps at 200 lbs para sa triceps at wag kalimutan ang hita na pwedeng pumatay ng 5 baboy damo ng sipa lamang.

Ito ang chiksilog that you dont wanna mess with. Isang tingin lang e talaga namang tutupi ka.

Eto ngayon lang tinignan niya ko at hindi maipaliwanag na panginginig ng katawan ang aking naramdaman.
Kaya kayo, mag ingat lague at wag kalimutang isuot ang aluminum na brief.
Wag ka nalang pumalag kung ako sayo.. lolz

Pating Pating Pating


Sabado.. Mga bandang hapon na jami dumating ng texas sa bahay ng kaibigan ni erpats. Tumingin kami ng ilang apartments para aming tirhan sa pag lipat namin sa stado ng nag iisang bituin (lone star state). Matapos nami tignan ang apartment ay wala na kaming magawa kaya naman nagyaya ang kaibigan ng erpats ko na mag target shooting daw kami. Pumintig ang tenga ko sa narinig ko katulad nalamang ng pag pimintig ng tenga ko pag nakakarinig ako ng pag bukas ng tansan ng beer.

Para kong tangang nagpumilit sumama kahit hindi naman kailangan mag pumilit dahil kasama naman talaga ko. Matinding tuwa ang naramdaman ko na halos tumulo ang aking luha ng saya at kuminang ang paligid ko ng tila isa akong cartoons na nakatikim ng masarap na pagkain.

Ang sarap magpa putok ng baril kahit na nanlalambot ang buong braso ko sa twing nag rrecoil ang baril. Nakakatawa ang itsura ko nung nakita ko ang sarili ko na sobrang seryoso sa pagbaril.

Isa ito sa mga hindi ko makakalimutang pangyayari sa buhay ko dahil ito ang pangyayaring nag deflower sakin sa pagpapaputok ng baril


Tuesday, August 5, 2008

FLAVOR OF THE MONTH

Naalala ko nung nasa pinas pa ko, nagpabili ang ama ko ng ice cream sa aking kapatid. Ganto ang nangyari...


Erpats : Kuya,(dahil kuya ang tawag sa kuya ko) bili ka nga ng ice cream sa starmall

Kuya : Anng Flavor?

Erpats (seryoso) : Yung Flavor of the Month


(kuya 1st, kuya 2nd, ako): WTFOMGLOLZ na patago..


Flavor of the month nga naman.. lolz

Typical na pelikulang pilipino

Siguro naman alam niyo na ang nilalaman nitong blog na ito. Pangalan pa lang ay sounds family familiar na sa inyo diba. Madalas ito punahin ng mga tao matapos matuwa at maganda sa isang pilipinong pelikula.

Una ang lugar kung san ginaganap ang bakbakan ng leader ng bida at kontrabida.
Kadalasan (wag na kayo umalma, dahil ginuhitan ko na ibig sabihin ay hindi lague) ay sa loob ng isang warehouse nagaganap ang mga bakbakan, kidnapan, at palitang ng mga drugs at kung ano ano pang masasamang ginagawa ng mga kontrabida. dito din nangyayari ang sagupaan ng leader ng bida at leader ng kontrabida. Kadalasan ay susugod mag isa ang leader ng bida at uubusin nia ang mga kampon ng kalaban ng hindi mo malaman kung ilang magazine ng baril ba ang dala nia sa kanya. iisipin mo kung san pwet ng unggoy niya tinatago ang mga magazine ng bala niya. nakakakiliti lang isipin na sa dami ng magazine niya mauubos lang yun pag nagkaharap na sila ng leader ng kontrabida, at gayun din naman ang mangyayari sa leader ng kontrabida.

Eto pang isang kumilita sa aking kilikili sa utak, dahil kapag ang kontrabida ang bumabaril sa bida e halos maubos na lahat ng magazine ng armalite niyang meron pang de sabog hindi mapatay patay ang pesteng bida samantalang isang bala lang ng bida ang katumbas niya. Minsan pa sa ibang palabas ay pag sumama ang leading lady ng bida sa warehouse e hindi sya magkakaron ng kalabang lalake, kundi isang babae din na kung hindi kanang kamay ng lider ng kontrabida e, matinding kaaway, at kadalasan din ay marunong mag martial arts at ang panlaban ng leading lady ay kahoy na styrofoam lamang.

Tutal nabanggit na din ang mga leading ladies, hindi pedeng dalawa ang leading lady sa pelikula. Kung naumpisahan na ang bida e may asawa, malamang sa malamang e mamatay ito at may makikilalang ibang babae ang bida at malamang sa malamang din e mas maganda ito dun sa asawa nung bida.

Pagka nagkaharap na naman ang lider ng kontrabida at ang mismong bida, nagdadaldalan muna ito at dun minsan maiisingit ang title ng mismo ng pelikula, parang ganto..

kontrabida: Valderama, magdasal ka na dahil papatayin na kita
bida: susuot ka muna sa butas ng karayom bago mo ko mapatay

o diba, hindi talaga yan ung dialouge pero malapit na, atleast nasabi pa dn ang title at pagka tapos ng mahabang satsatsatan at sisihan ng mga nangyari nung sila'y mag partner pa, sabay silang tatalon na tila e nag bilang sila kung kelan sila tatalon sabay putok ng baril at para may suspense, kuniare e mas malubha ang nangyari dun sa bida at naka ngiti ang kontra bida pero ang totoo pala e mas napuruhan yung kontrabida..

Saka naman ngayon dadating ang mga back up na pulis na alam naman nating lagueng maaga *ehem* pagdating sa mga ganyan at kung comedy pa ang palabas e may habol pang kutos ang mga batukang alagad ng bida at kung action naman ay magsasalita pa himalang nabuhay na kontrabida kahit na nabaril na sya.

Ang mga pelikulang pinoy nga naman kahit pare pareho sila e nakakatuwa pa dn at nakakamiss naman pag ikaw ay nasa bayagang banyagang bansa.

Ikaw na ang maging Steven Seagal


O DIBA SAN KA PA

Si Steven Seagal, hindi ko maikakaila na isa siya sa mga pinaka astig na action star sa hollywood, pero ang nakakatawa sa taong ito, halos sa lahat ng pelikula niya, kalmado sya mag salita. Napatanong ako sa sarili ko kung bakit at kung ano anong pumasok sa isip ko.

Isa sa aking mga naging kasagutan e, siguro hindi sya marunong talaga mag salita ng malakas o kaya naman lague masakit ang kanyang lalamunan tuwing sila ay magkakaron ng shooting kasi hindi sya nakakain ng maxx menthol candy na inalok sa kanya ng isang takatak boy sa may roxas boulevard. Ang galing niya, kahit galit na galit na talaga sya dun sa tao at sinabihan niya na ito na papatayin niya ito, sobrang kalmado pa din ito at hindi nakakatakot, sobrang astig talaga niya. Sa tunong ng boses niya, mukhang tatawanan lang sya ng papatayin niya o siguro naman e malakas lang ang loob niya dahil bida siya at alam niyang hindi naman siya matatalo nung kalaban niya kaya kahit hindi nakakatakot ang pagkasabi niya na papatayin niya ito e talaga namang papatayin niya to. hmm..

Isa pa sa napansin ko sa astig na si Steven Seagal ay ang galing niya sa paglaban sa martial arts. Walang makatalo sa kanya (dahil nga bida sya) pero kahit anong gawin ng kalaban niya e hindi umuubra sa kanya, sisipain sya sa tyan iindahin niya lang ng konti at pagkalipas ng ilang bugbog niya sa kalaban e mawawala na naman ang sakit na nararamadaman niya. Nakakatawang tignan sa kanya na kapag nakikipag labanan sya ng martial arts e, hindi sya masyado naka simangot, parang nasisilaw lang sya sa araw kahit na napaka dilim sa paligid niya. napaka astig niya talaga.

Hindi din siya katulad ng mga typical na bida na kapag hinuhuli ng pulis e pumapalag, sya hindi, kalmado niyang ilalagay sa likod ang kamay niya at ipapa posas.

Ang galing galing niya diba, hahaha.. simula ngayon, isa na siya sa mga idol ako ko na artistang action star.

SECRET


may kwento ako, kasi meron akong kaibigan na talagang gustong gusto ko sya. alam kong alam na niya na gusto ko sya at sa tingin ko naman ay gusto niya ako pero ang malabo lang e, parang meron nagsasabi sakin na merong syang problema at ayaw nia sabihin sakin. nahihiya ba sya skin na baka kagatin ko sya pag sinabi niya skin ung problema? alam ko tiger ako nung past life ko pero hindi naman ako nangangagat kung gusto ko yung tao. hindi lubos maisip ng kamote kong kokote kung bakit ayaw niya sakin sabihin. hindi ko sya matutulungan kung hindi sakin sasabihin o di kaya ayaw niya ako mahati sa maliliit na piraso kapag nalaman ko?.. nalilito na ako.. tutal bago na tong blog ko, hindi niya na to mababasa, pero sa katangahang palad ko na naman ay ibibigay ko sa kaniya ang link para mabasa niya ang entry kong para sa kanya. ganun ako katanga, hindi ko alam kung bakit ko gusto mabasa niya ang mga hinaing ko sa kanya..

ayokong magalit sya skin dahil mababasag akong parang maong na hindi nilabhan ng 5 taon at nag tutong na.. isang bagsak lang e mababasag na. ayoko mangyari yun, gusto ko sya maging masaya lague at hindi magkaron ng kahit na anong problema, pero hindi mangyayari kung mananatiling sarado at naka tikom ang kanyang magagandang labi na mas mapula pa sa mukha ko pag nalalasing ako. ayoko din lumuha ang mga mata niyang mukhang nakapikit na kahit hindi naman, gusto ko na manatiling maganda at kumikinang ang kanyang mga mata dahil masaya sya. hindi ko gusto na sipunin ang magagandang niyang ilong na parang pinilin niyang ipares sa kanyang mata at totoo namang maganda ang kinalabasan.

sana maramdaman niya ang kidlat na nanggaling psychic powers ko na gusto ko sya tulungan sa kung ano mang problemang nararamdaman niya. pipilitin kong tulungan ka sa abot ng aking makakaya pero sana maabot talaga ng aking kaya ang problema niya dahil mas malayo pa sa dalawang great wall of china ang layo namin sa isa't isa.. kaya ikaw babae,, sabihin mo na saking kung ano yang problema mo..

nababaliw na naman ako..

Monday, August 4, 2008

Ang Pagbabalik

Dahil ako'y sinumpong ng aking pagka praning ay binura ko ang nauna kong blog, hindi ko alam kung bakit pero hindi ako kumportable dun sa nauna kaya eto gumawa ako ng panibago at sana ay makapag sulat na ko ng entry na may sense at ihulog lakipan ng isang sachet ng tide o ng mga sumusunod kung ano pang mga nangyayari sakin sa pang araw araw..

Winewelcome back ko ang sarili ko dahil kung hindi ko gagawin, wala nang iba.. kaya eto para sayo kidlat..




WELCOME BACKLA