Tuesday, August 5, 2008

SECRET


may kwento ako, kasi meron akong kaibigan na talagang gustong gusto ko sya. alam kong alam na niya na gusto ko sya at sa tingin ko naman ay gusto niya ako pero ang malabo lang e, parang meron nagsasabi sakin na merong syang problema at ayaw nia sabihin sakin. nahihiya ba sya skin na baka kagatin ko sya pag sinabi niya skin ung problema? alam ko tiger ako nung past life ko pero hindi naman ako nangangagat kung gusto ko yung tao. hindi lubos maisip ng kamote kong kokote kung bakit ayaw niya sakin sabihin. hindi ko sya matutulungan kung hindi sakin sasabihin o di kaya ayaw niya ako mahati sa maliliit na piraso kapag nalaman ko?.. nalilito na ako.. tutal bago na tong blog ko, hindi niya na to mababasa, pero sa katangahang palad ko na naman ay ibibigay ko sa kaniya ang link para mabasa niya ang entry kong para sa kanya. ganun ako katanga, hindi ko alam kung bakit ko gusto mabasa niya ang mga hinaing ko sa kanya..

ayokong magalit sya skin dahil mababasag akong parang maong na hindi nilabhan ng 5 taon at nag tutong na.. isang bagsak lang e mababasag na. ayoko mangyari yun, gusto ko sya maging masaya lague at hindi magkaron ng kahit na anong problema, pero hindi mangyayari kung mananatiling sarado at naka tikom ang kanyang magagandang labi na mas mapula pa sa mukha ko pag nalalasing ako. ayoko din lumuha ang mga mata niyang mukhang nakapikit na kahit hindi naman, gusto ko na manatiling maganda at kumikinang ang kanyang mga mata dahil masaya sya. hindi ko gusto na sipunin ang magagandang niyang ilong na parang pinilin niyang ipares sa kanyang mata at totoo namang maganda ang kinalabasan.

sana maramdaman niya ang kidlat na nanggaling psychic powers ko na gusto ko sya tulungan sa kung ano mang problemang nararamdaman niya. pipilitin kong tulungan ka sa abot ng aking makakaya pero sana maabot talaga ng aking kaya ang problema niya dahil mas malayo pa sa dalawang great wall of china ang layo namin sa isa't isa.. kaya ikaw babae,, sabihin mo na saking kung ano yang problema mo..

nababaliw na naman ako..

4 comments:

The Gasoline Dude™ said...

Aba bago ang blog ni Kid! Pucha nagbura ng old blog! Greenie ka nga! "LOLZ*

womanwarrior said...

nag-trespass nako sa blog mo ha...

mukhang inlababo ka talaga ah...

pero if i were to give you an advice, tanggalin mo yung part na sinabi mong "para akong bata na isusubo ang candy na nadumihan na." i may be wrong, pero ang posibleng maging dating sa kanya ay 2nd-hand commodity sya, which is very demeaning to girls. off sa mga girls yun...

sana nakatulong si lowla, kahit di mo hinihingi advice ko...

good luck...

Kidlat said...

thanks lowla.. ginawa ko na po.. baka nga ma misunderstood ng mga magbabasa.. thanks a lot lowla..

Anonymous said...

aba, akala ko pusa ka lang nung past life mo. tigre pala. RAWWRRR! astegs, nagco-comment na ko. hahaha!

dapat lumipad ka na lang papunta sa kung saan man yung girl, para hindi na dalawang great wall of china ang pagitan nyo. at mas madali nyang masasabi sayo kung ano problema nya.

o kaya sa halagang $100 tuturuan kitang basahin ang iniisip ng mga tao. hahaha! apir na lang.