Tuesday, August 5, 2008

Ikaw na ang maging Steven Seagal


O DIBA SAN KA PA

Si Steven Seagal, hindi ko maikakaila na isa siya sa mga pinaka astig na action star sa hollywood, pero ang nakakatawa sa taong ito, halos sa lahat ng pelikula niya, kalmado sya mag salita. Napatanong ako sa sarili ko kung bakit at kung ano anong pumasok sa isip ko.

Isa sa aking mga naging kasagutan e, siguro hindi sya marunong talaga mag salita ng malakas o kaya naman lague masakit ang kanyang lalamunan tuwing sila ay magkakaron ng shooting kasi hindi sya nakakain ng maxx menthol candy na inalok sa kanya ng isang takatak boy sa may roxas boulevard. Ang galing niya, kahit galit na galit na talaga sya dun sa tao at sinabihan niya na ito na papatayin niya ito, sobrang kalmado pa din ito at hindi nakakatakot, sobrang astig talaga niya. Sa tunong ng boses niya, mukhang tatawanan lang sya ng papatayin niya o siguro naman e malakas lang ang loob niya dahil bida siya at alam niyang hindi naman siya matatalo nung kalaban niya kaya kahit hindi nakakatakot ang pagkasabi niya na papatayin niya ito e talaga namang papatayin niya to. hmm..

Isa pa sa napansin ko sa astig na si Steven Seagal ay ang galing niya sa paglaban sa martial arts. Walang makatalo sa kanya (dahil nga bida sya) pero kahit anong gawin ng kalaban niya e hindi umuubra sa kanya, sisipain sya sa tyan iindahin niya lang ng konti at pagkalipas ng ilang bugbog niya sa kalaban e mawawala na naman ang sakit na nararamadaman niya. Nakakatawang tignan sa kanya na kapag nakikipag labanan sya ng martial arts e, hindi sya masyado naka simangot, parang nasisilaw lang sya sa araw kahit na napaka dilim sa paligid niya. napaka astig niya talaga.

Hindi din siya katulad ng mga typical na bida na kapag hinuhuli ng pulis e pumapalag, sya hindi, kalmado niyang ilalagay sa likod ang kamay niya at ipapa posas.

Ang galing galing niya diba, hahaha.. simula ngayon, isa na siya sa mga idol ako ko na artistang action star.

1 comment:

Anonymous said...

hahaha! napansin ko din un dati. tuwing pinapakita sya parang akala mo tinatapatan ng flashlight sa mukha at hindi makadilat. hahaha!! astegs.

tas parang tinurukan pa ng isang gallon ng botox ang mukha nya kc iisa lang palagi ang expression. sinusuntok na ng milyon-milyon beses eh parang wala lang. galing talaga.

hahaha!