Tuesday, March 16, 2010

DURIAN ??

kaninang umaga habang natutulog ako, nakaamoy ako ng durian na sumimoy sa hanging nang-galing sa vent ng a/c namin, sabi ko sa sarili ko, "bakit amoy durian?" so hindi ko pinansin dahil kala ko nananaginip lang ako,, sumimoy ulit ang hangin at sumiksik na naman sa ilong ko ang amoy basurang amoy.. sabi ko sa sarili ko, "durian nga to" pero iniisip ko kung san mang gagaling yung amoy durian n yun,, di naman nagalit yung nanay ko at itinapon niya ang basura namin dahil hindi ko ito nailabas dahil hindi naman araw ng basura,, biglang "!", natandaan ko na bumili nga pala kami ng wafer na flavored durian, p*@!*@ !*# talaga ang amoy, di sya mabango promise, ni hindi ka gaganahan tikman e, pero dahil curious ang nanay ko, binili pa dn niya, tinikman niya at dahil na curious din ako, tumikim na din ako dahil hindi pa ko nakakatikim ng totoong duria kasi nga ayoko ng amoy niya. naisip ko na pag tumikim ako nung wafer na yun, baka malaman ko ang lasa ng durian, pero hindi, na disappoint ako. pag bukas nung lalagyanan nyang parang foil na hindi naman foil, ewan ko kung anong tawag dun, parang foil e, pero hindi nmn,, pag bukas nun, nag umpisa nang humalimuyak ang amoy ng durian sa loob ng sasakyan, sarado ang bintana at parang tnotorture namin ang sarili namin sa amoy, alam ko medyo OA, dahil ayoko tlga ng durian, parang may umutot tapos naka sara yung bintana ganon. imaginin niyo yun di ba nakakasuka yun!
tikiman na, excited ako pag tikim ko, putrages! lasang wafer! lasang wafer pala ang durian, kung alam ko lang. sa mga naririnig ko, hindi naman lasang wafer ang durian so ibig sabihin, hindi yun ang lasa ng durian, nadugas ata kami dun ah,, pinabaho niya lang yung loob ng sasakyan at yung bahay namin. di naman namin i-dspatcha kasi sayang naman. di bale papakain ko nalang sa mga ibon, unti unti para di nila mapansin! nyahahaha

tag sibol

ahahai nakoo tag sibol na naman.. tapos nag ang tag lamig,, wala nang silbi ang mga jacket at kung ano ano pang pang lamig, hindi na din kelangan mag doble ng medyas para hindi manigas ang .... daliri ko sa paa syempre.. walang bastusan, medyas nga e..

nagpapasalamat naman ako dahil tapos na ang tag lamig, oras na para mag tanim ng sama ng loob mga halamang namumulaklak o kaya naman ng mga halaman na nagbubunga.. napakasarap pag masdan ng mga halaman sapul nung sila'y mga buto pa lamang at dahan dahang tutubo para maging magandang halaman o kaya naman mamunga ng masasarap na prutas o gulay na sya naman naming kakainin... nyahahaha

isa pang pinagpapasalamat ko sa tag sibol ay ang magandang panahon. sa totoo lang wala naman talagang mababago sakin kahit maganda ang panahon e,, nung tag lamig, tanghali na ko nagigising, nitonng mga huling araw na maganda ang panahon, ganon pa dn e,, tanghali pa dn ako nagigising pero pasalamat pa dn ako dun.

ang hindi OK e ang pag iiba na naman ng oras.. walangya, hindi ko namalayan na nag iba na pala ang oras, kaya nagkalabo labo na naman ung utak ko, di ko alam kung aling oras ang paniniwalaan ko,, niloloko nila kong lahat,, mga p*^@^* &@^ !! nila.. ang sarap sarap matulog e nanakawan ka ng isang oras? di ba kalokohan un?

ito dn ang panahon kung kelan maganda mag picnic sa mga park at kung saan saan pang may picnican.. nakoo wala lang akong oras at kasama mag picnic e, kung meron lang e, edi nag picnic na kami,, napakasaya siguro nun,, hihiga ka sa ilalim ng puno damhin ang ihip ng masarap ng ihip ng hangin, pakinggang ang magagandang huni ng ibon at ang mga tinig ng mga batang naglalaro. saya no?? parang gusto mo nang tumayo jan sa kina uupuan mo ngayon at mag plano ng piknik at hindi papainitin ang pwet sa harap ng upuan mo para mag facebook buong maghapon, di ka naman nag uupdate, tumitingin ka lang sa status updates e wala naman din nag uupdate,, kawawa ka naman bored ka na siguro sa trabaho..

hanggang dito nalang muna,, parang isda na ung utak ko e,, tuyo na! ..

Thursday, October 8, 2009

Pagbabalik loob - ang bakasyon

makalipas ang humigit kumulang isang taong hindi pag bblog (OA) ay eto ako ngayon at mag uupdate ng aking site.. marami rami akong gustong isulat kaya lang sa sobrang dami ay di ko na matandaan lahat kaya ang isusulat ko nalang ay ang tungkol sa pag uwi ko sa pilipinas.

umpisahan ko sya sa pag alis ko ng houston..

ika-5 ng mayo dos mil nueve ang araw ng aking pag lipad mula sa banyagang lupa papunta sa aking mahal na pilipinas. hindi ko alam pakiramdam, parang sabik ako na kinakabahan na natatae at kung ano ano pang halo halong pakiramdam (may kaong, nata de coco, leche flan, ube tsaka sago) ang aking nadama. hinatid ako ng aking mga kaibigan sa pandaigdigang paliparan ng houston sa estados unidos, ang saya saya, andami kong dala, sa dami ng dala ko nag over baggage ako, FML!! iniwan ko pa yung mangilan ngilan kong tsokolate na dapat ay iuuwi ko sa pilipinas at mangilan ngilang damit na din. nadugas ako nung timbangan namin sa bahay o sadyang pinagtitripan lang ako ng tadhana para mag mukhang tanga ko sa airport pero salamat na dn at nakapag dala pa dn naman ako ng konting pasalubong para sa aking mga kamag anak sa pilipinas.

15 hours ang flight ko. sabi ko sa sarili ko,, wow astig to, papunta kong qatar, malamang ay maraming magagandang middle eastern akong makakasabay at mabubusog ang mga mata ko sa ganda ng mga flight attendant sa sasakyan kong eroplano. pag sakay ko sa eroplano, gumuhong na parang dinidimolish na building ang aking mga expectations, malamig ang pawis ko, (pakiramdam ko ang maputla ang background ko). kasabay ko ang mga kaibigan nating mahilig kumain ng curry (alam nio na kung sinong tnutukoy ko). sa mga makakabasa, wag naman ninyo sanang mamasamain ang ibig kong sabihin, gusto ko lang ipahayag ang aking nadama nung mga oras na yun,, gusto kong umiyak at maglupasay sa sahig dahil wala kong nakita kahit 1/4 na babae na type ko. lahat sila ay mabango at mabango.. ganon nalang..

kinse oras, mantakin mong kinse oras ko sila kasabay mula houston hanggang qatar.
kinse oras kong naaamoy ang nakakagutom na amoy ng curry.. oo?? hindi.. kala niyo lang yun,, ibang curry ang pinag uusapan natin dito,, ang curry na sinasabi ko dito ay parang curry na minumog magdamag nilagay sa baso at minumog pa ult knabukasan.. ewan ko kung ganong nga ang amoy pero sa tingin ko magiging ganon ang amoy.. (try niyo).. kinse oras kong tiniis ang sakit ng ilong ko sa pag langhap ng amoy na yun. kinse oras,, parang dumikit na nga sa suot kong damit yung amoy e, para naman di masyadong sumama ang loob ko, inisip ko nalang yung dadatnan ko sa qatar, fresh air, mabango at preskong hangin.. ahaii sarap.. di epektib..

at sa wakas, pagkatapos ng kinse oras na paglipat mula sa pandaigdigang paliparan ng houston, nakarating na kami sa doha qatar..


...itutuloy sa sunod na update

Thursday, January 8, 2009

pula't itim

nitong mga nakaraang araw e sunod-sunod kong nakta ang litrato ng aking idolo na si ernesto guevara na kadalasan ay itim at pula ang litrato. dahil trying hard ako, naisip kong paglaruan ang mga litrato ako gawing ganun din. sa tulong ng simpleng microsoft word at paint ay nakagawa ako ng mga mumunting litrato, bagama't simple e astig pa din, atleast para sakin astig.. pake niyo ba.. nag iisip pa din ako gumawa ng ilan pang litrato para naman madagdagan ang laman ng album ko at hindi tatatlo lang na parang napag tripan lang.(e totoo naman).

dito din sa mga litratong ito ipinapahayag ko ang pagka gusto ko sa mga kulay na itim at pula. masakit man sa mata kung titignan, astig pa din at walang makakapantay sa kumbinasyon na yan.

heto ang ilang sa kanila at kung sisipagin ay may mga susunod pa.



oo ako yan at wala nang iba.. syempre hindi ko kamukha dahil wala namang mukha yan..

ayan na muna sa ngayon

Monday, December 29, 2008

PINOY RESTAURANT?





PERO JAPANESE YUNG LANTERNS NILA.. LOLZ

Saturday, December 27, 2008

HAPPY OR SAD? ewan ko din..




December 22 2008.. ang pinaka masayang araw ng aking taon 2008 dahil nakita ko din ang matagal ko nang hinihintay makita.. maagang pamasko ang natanggap ko at yun ang pinaka the best na pamasko na natanggap ko.

ni hindi ako kinabahan dahil sobrang excited kong makita sya at nung nakita ay talaga namang hindi ko matanggal ang ngiti sa mukha ko.. kahit burahin mo ng correction ang fluid e makikita mo pa din ang bakas ng kasiyahan sa mukha ko.. kahit lagyan mo ng maskarang malungkot ang mukha ko e sasaya ito dahil sa mahuhulma ang naka ngiti kong mukha.. buong araw akong masaya dahil kahit na medyo malayo ang aking bnyahe eh sulit na man,, mas sulit pa sa coke sakto.. kaya ayun ang saya saya talaga at nag picturan pa kami.. halos ayoko alisin sa ang mga mata ko sa pagkakatingin sa mga litrato dahil sobrang priceless na moment na yun at tila isa sa mga higlight ng aking taon.. hindi ko pa din maloko ang sarili ko na hindi ko na sya gusto. talagang gusto ko pa din sya hanggang ngayon pero meron na syang pafi so wala na talaga.. hindi ko naman gusto mang gulo ng relasyon dahil sa kasakiman ko kaya eto na naman ako at mag bbbye na naman sa kanya.. atleast nakapunta sya dito sa texas at nagkta kami. talagang maganda ang pamasko sakin ngayong taon.
pero nung pauwi na ko, bigla nalang dumaan ang kidlat sa aking isipan sa pag uwi niya sa pinas ay magkikita silang muli.. masaya isipin sa kanya yun pero sa aking panig e hindi ko maintindihan kung sasaya pa ko o kung ano pa man.. biglang nawala ang mga ngiti sa aking mga labi at nag isip hanggang makauwi ako.. hindi ko maintindihan, panandaliang saya lang pala.. haiz... pero salamat pa din ...

Friday, December 12, 2008

nag isno nag isno nag isno

dec 10 2008, nasaksihan ko ang pag buhos ng maliliit na yelo mula sa alapaap. ang saya saya ko dahil ito ang isa sa mga pangarap ko bukod sa pangarap kong maging salbaheng bata nung maliit pa ko. wala kong pakelam kahit isipin ng mga tao na mukha kong tanga at ignorante, ito ang unang beses ko naka kita ng isno at dito pa sa texas kung saan nasa south na state ng amerika. dahil ang oras ay hapon, medyo madali silang natutunaw pag lumalapat na sa isang mainit na bagay, lalo na skin kasi ako ay "hot".. lolz,, haha.. pero seryoso, madali syang natutunaw sakin dahil sa lakas ng kapangyarihan ko ay bago pa man dumikit skin ang isno ay tunaw na ito. isang sumpa at biyaya ang aking kapangyarihan, pero balik tayo sa isno. nung kinagabihan na ay tuloy pa din ang pag buhos ng maliliit na butil ng yelo at dahil kakaunti lang sila, hindi sila naiipon at hindi din pede gumawa ng isnoman, siguro isno langgam lang at tyak na hindi pa ito magtatagal dahil maliit lang talaga sya. ang saya saya talaga nun kaya ngayon, gusto ko pumunta sa colorado at mag isnobording..

double dead

unang araw ko sa trabaho e pinairal ko agad ang katangahang palad ko. nag suot ako ng sapatos na sukol ang paa ko sa trabahong puro lakad ang ginagawa, ang resulta, patay na kuko. tama patay na kuko nga, kamakailan lang e umiral na namang ang katalinuhan ng kamoteng kukote ko. hindi pa nga nag re-resurect ang patay na kuko e eto naman ako, nag basketball ng ang sapatos ko e pang tennis. wala naman talaga kong balak mag basketball e, pero nung nakita yung kaklase ko sa isang class ko e nilapitan ko, hindi dahil gusto ko mag basketball kundi may chicks at gusto ko lamang maka iskor na malapitan, SLAM DUNK ika nga ng mga tambay samin, swak na swak. at eto pa ang maganda, nung niyaya ako maglaro ng basketball e yung chikas pa ang nagbabantay sakin, aw ang sarap kaya hindi ko naramdaman ang dahan dahang pag panaw ng aking kuko sa hinlalaki dahil puro kaligayan sa pang taas na katawan ang naratamdaman ko. eto na ngayon ang kalagayan niya, walang kabaangong, ayaw din tanggapin ng palengke dahil double dead daw, kaya ayun, itatago ko nalang sya at aalagaan dahil umaasa ko na muli pa syang mabubuhay..

Wednesday, November 26, 2008

broken!!



yup that's me. i'm like a glass, slammed in to the floor, now broken into pieces.

Tuesday, November 25, 2008

DEAD END?




This is it.. I think this is the spot where i have to stop, the spot where i should start to go back and take another detour. its over, the small ray of light that i see before is starting to fade away. there it is, my little ray of hope that i have been waiting for is starting to shine on someone else'. this is it, my dead end.
im'ma start to go back, slowly, so that way i could see the places that i passed by before i got to my dead end. the happy places, the beautiful sunshine, the cool breeze that i felt whenever i hear that voice that now is starting to fade away with the little light that i am trying to keep. i guess im just not a good keeper.
so to you, my cool breeze that always makes me feel happy and comfortable, im so lucky that i knew you.. thanks to you..

Monday, November 17, 2008

New Nike Commercial

NEW NIKE COMMERCIAL!!!


AINT THAT COOL!!

VISIT THE NIKE WINDRUNNERS WEBSITE

JUST DO IT!!

Saturday, November 8, 2008

swerte nga naman oo!!




pag gising ko isang umaga, tamang tama late na ako, at nagmamadali ako bumangon kahit na pupungas pungas pa ang aking mata at lumalawa pa ang akng laway sa aking unan bantot. nagmamadali akong maligo at sinabi na lamang sa aking na kung pwede ay sya na muna ang maghanda ng aking aalmusalin dahil ako ay maliligo pa.

pagtapos kong maligo at handa na ang lahat, marami munang seremonyas ang nangyari kahit alam kong late na ko. ugali kong magbihis muna bago kumain ng almusal at saka susuotin ang aking sapatos, may nakalimutan pala ko,
para magbawas ng aking mga biyaya at saka pagkatapos ay tsaka ako magsusuot ng aking sapatos.

SWERTE NGA NAMAN O (title yan) wala akong medyas at sa aking ka desperaduhan e humalukay na lamang ako sa aking lalagyanan ng maruming labahan at akin na lamang
ang aking mga nasuot na medyas,(alam ko kadiri) at sa katangahang palad ko, magkaiba pa ang nadampot ko.. pero ok lang, itim naman sila pareho e hindi na mapapasin ng mga tao yun, atleast sa isip ko hindi nila papansinin..

pag uwi ko, hnugasan ko nalang ng katakot takot ang aking mga paa ng mabuti.
alam ko oo, nalaman ko ang lesson ko,

sa susunod, dumampot ng magkaparehong medyas


kayo din..

Friday, November 7, 2008

Alaala ng High School

Hindi naman siguro kaila sa ating lahat na kapag nakakaamoy tayo ng isang bagay e may na-a-lala tayo. ewan ko kung kung wirdo lang ako dahil chemicals ang naaamoy ko pag naaalala ko ang aking masasayang araw nung high-is-cool.

nasa trabaho ako (sa stockroom) at nagkataong may kelangan kuhanin sa lugar kung saan nakalagay ang mga kemikals na tinitinda ng store na pinag tatatrabahuhaan ko. may mga amoy ng sabon, air freshener, tae at kung ano ano pa. nasinghot ko ang mga yun at sa hindi maipaliwanag na pangyayari, bigla ko nalang naalala ang mga pakiramdam nung ako ay nasa hi-is-cool pa.. siguro na high lang ako pero ang saya ng pakiramdam at masaya ulit ulitin, hindi ito drugs kung yon ang naiisip niyo, ito lamang ang nagsama samang amoy nung mga kung ano ano sa lugar na yun. ang sarap talaga ng pakiramdam, para kong damit na nakasampay at hinihipan ng hangin at amoy downy.
hmmm..

isa pang nakapag paalala sa aking mga hi-is-cool days ay ang mga amoy ng kandila sa lugar kung saan matatagpuan ang mga stationaary.. ambango dn nila, parang ang sarap nga kagatin e, pero hindi pa ko ganun ka tanga pa gawin un, siguro meron silang nilalagay sa mga yun para maibalik ang alaala ng mga tao. naisip ko tuloy kung ipaamoy un sa mga taong may insomia amnesia para bumalik ang kanilang alaala.

masaya ang mga araw ng aking skwela noon at dahil masaya un, babalik balik ako sa lugar na un, para umamoy amoy at maaalala ng pa ulit ulit ang mga bagay.. haaaaayy.. sarap (singhot!!)

Thursday, November 6, 2008

BRIP

naalala niyo ba nung maliliit pa kayo, ang tawag ng mga nanay natin sa mga salawal nating ay PANTY.. pwet pwes may pang ganti na tayo sa mga babae, sila ay meron na ding..






HAHA. kala niyo kami lang any may panty ah..

Thursday, September 18, 2008

Pangarap

Lahat ng bata meron mga mumunting pangarap. pag ang bata tinanong ng teacher niya kung ano gusto niya pag laki niya, kadalasan sinasagot ng bata e maging doctor, engineer, guro, at kung ano ano pa. hindi masama yun, sabi nga ni jay manalo ng kamikazee e,
libre lang mangarap, walang hanggan ang pag hiling
. maganda sa mga bata ang may pangarap, atleast meron syang target sa buhay.

nung bata ako, simple lang gusto ko pag laki ko, nagtanong yung teacher ko, sabi niya, "alam niyo n ba kung ano gusto niyo paglaki niyo?" sabay sabay kami ng mga classmates ko nun, "ooooppppoooooooooooooooo" taas pa ko ng kamay na parang matatangal na yung braso ko, "o sige laurence, ano gusto mo paglaki mo?" sabi ng teacher ko, proud na proud pa ko, "gusto ko pong maging SALBAHENG BATA balang araw" pasigaw pa yown! . sabi ng teacher ko sabay tapik sa balikat ko, "bakit mo naman gusto maging salbahe?" sabi ko kasi gusto ko lang, pero sabi niya, hindi ka pede maging salbahe anak, dahil mabait ka, sadyang mabait ka at hindi ka magiging salbahe. sabi ko sayang naman, kasi yun talaga ang pangarap ko e, pero talagang hindi, napansin ko din yun nitong mga nakaraan araw e, hindi ko talaga kaya maging salbahe.. hay nakoo life nga naman..

*babala: ang mga nabasa niyo ay sadyang kathang isip lamang at bunga lang ng wala magawang blogger na tulad ko, kaya wag na kayo magtanong kung totoo nga yun, dahil hindi.. nyahahaha*

Saturday, September 6, 2008

Hindi ko maintindihan

isang gabi, naghihilamos ako, (actually ngyn ko to na realize)naguluhan ako sa isang bagay.

bakit ang mga dermatologist, sinasabi sa mga pasyente nila ang mga hindi dapat gawin sa mukha nila para mapanatiling maganda at makinis ang balat nila. e pag nangyari yun, hindi na babalik yung mga pasyente nila sa knla, wala na silang pera, pero ang kagalingan nga nun e, yumayaman sil dahil bumabalik ang mga pasyente nila. ano pang sense ng pagpunta ng unang beses kung hindi mo din naman susundin ang payo ng doctor. malamang e hindi na naman susundin yung ng pasyente at pa ulit ulit lang ang pangyayari, at yumayaman sila. may mga kapangyarihan kaya ang mga salita nila kaya kahit sabihin nilang wag gawin e sadyang matigas ang bagul ng mga tao at hindi nila sinunod yun.

isa pang naisip ko, bakit nagagalit ang mga naglilinis pag nagkakalat ang mga tao?.. ewan ko ah, pero para skin, pabor nga sa knla yun e, kasi kung hindi magkakalat ang mga tao, wala sila lilinisin, at kung wla sila lilinisan, wala sila trabaho, at kung walang trabaho, walang pera..


pasyensya na at walang kwenta ito dahil pagod ako at kung ano ano lang pumapasok sa utak ko.. hahaha

Malimaw ma Mlogger

Siguro, nagtataka kayo kung bakit puro "M" ang title nitong entry na to.. haha,, magtaka kayo hangga't gusto niyo.. Kaya puro "M" sya dahil pangalawa sa listahan ko ang MALUPIT, MAKWELA at MA gobil LANDING blogger na si Marijuanacho este Mariano Juancho pala.
Boss, chief, manager, dudes, pare, tol kong to e, lintik mag blog dahil ang paraan ng pagkakasulat niya e parang kung paano niya ito sinabi ng personal. Hindi ko pa sya nakilala sa personal, mysterio pa dn ang pagkatao ko sa kanya at ang pagkatao niya skin. At base sa mga naririnig ko sa mga greenpinoy pipol, cnasabing si MarijuanAcho ay talgang matinik at napaka kulit, kaya naman, sya ang pangalawang boto ko sa patimpalak na pinamagatang (drumroll at mababang boses na husky) Project Lafftrip Laffapalooza 2008
idol ko kayo, kahit sino manalo sa inyong lahat, makulit pa dn kayo sa puso ko.. lolz.. at hindi mabubura yung ng simpleng liquid paper o pambura ng lapis ng mongol #2..

KUDOS SA INYONG LAHAT !! WOHOOOO

Thursday, August 28, 2008

Greenpinoy for Project-Laffapalooza 2008

Hindi ibig sabihin ng halimaw na blog e literal na halimaw na may 5 ulo benteng daliri sa kamay at paa at kung ano ano pa.. nasabi kong halimaw to dahil isa ito sa mga pinaka astig na blog na napuntahan ko sa lahat lahat.. naalala ko pa nung una kong bumicta sa www.greenpinoy.com, inosente pa ko sa mga bagay bagay, tulo pa ang uhog ko nun at ayos lang na magtatakbo ko sa kalsada ng hubo't hubad at mag hurementado at mag paikot ikot ng nakahiga sa karsada, pero simula ng makapag basa ko sa greenpinoy.com,, wala lang, wala dn nagbago, nakpag basa lang ako,, nadagdagan lang ang kaalam ko sa mga bagay bagay at kasabay nun ay nagkaroon dn ng mga bagong kaibigan. hindi ko pa sila nakikita ng personal at kumpletong stranghero (complete stranger) pa dn ako sa knla kung sa personal.. masasabi kong hindi lang isang astig na blog site ang greenpinoy.com, nag evolve na dn to na parang pokemon, sa pagtulong sa mga ibang tao. garantisado ang kasiyahan dito at patok sa takilya ang mga jokes, mga jokes na hindi ko inaasahang nag eexist pala sa face ng earth.. at dahil dito, sya ang #1 sa listahan ko sa paligsahan ng Project Lafftrip Laffapalooza 2008 na ang patay na linya (deadline) ay basahin nio nalang dun mismong site..

LONG LIVE GREENPINOY!! SEMPER FI!!

Thursday, August 7, 2008

is this love?



This entry is inspired by one of the songs of the great robert nesta marley.

Is this love?
When you stay late at night thinking about a girl that your not even sure if she's thinking about you?

Is this love whenever you wake up early in the morning, tired because you stay up all night just to wait for her and hoping that you would be able to get a chance to talk to her or to hear her voice that echoes in your head the whole time you’re thinkin of her?

Is this love if you get hurt whenever she gets hurt or not feeling well and you can’t do anything to help her or cheer her up or to be her crying shoulder whenever she wants to cry

Is this love when you want to spend your time with her watching the sun set and wanna hold her hands and never let it go?

Is this love?

Chiksilog


MAKAKAPALAG KA KAYA JAN?

Dito ko na experience ang nilalaman ng kanta ng kamikaze na chiksilog nang pauwi ako galing texas papuntang louisiana.

Nakaupo na kani ng aking mahal na ina sa aming upuan sa loob ng bus nang may nakita kaming babae na palapit sa aming inuupuan. Naka suot sya ng shades na malaki na tila sya ay isang babaeng sophistikada. Habang papalapit sya sa amin, hindi namin mapigilang mapansin sya. Hindi naman kami mapapansin na naka tingin sa kanya dahil meron dn naman kaming sout na shades.

Nang makaupo na sya sa kanyang upuan e napa OMGWTFLOLZ kami ng mami ko pero tahimik lang naman at hindi naman gaanong obvious pero siguro nagtataka duin ang mga katabi namin kaya napatingin sa direction na tini din nila maitago ang kanilang WTFOMGLOLZ.. Isa syang chiksilog, isang chik na may itlog. Itim ang kanyang lahi , mga 5'10" ang taas at tila tumitimbang ng 170 lbs. Mukhang kaya nya ko patayin ng suntok lang dahin sa mga braso niyang parang hita ko na sa laki at hindi lang malaki dahil bukol bukol pa ito na parang tumitira ng 150 lbs para sa biceps at 200 lbs para sa triceps at wag kalimutan ang hita na pwedeng pumatay ng 5 baboy damo ng sipa lamang.

Ito ang chiksilog that you dont wanna mess with. Isang tingin lang e talaga namang tutupi ka.

Eto ngayon lang tinignan niya ko at hindi maipaliwanag na panginginig ng katawan ang aking naramdaman.
Kaya kayo, mag ingat lague at wag kalimutang isuot ang aluminum na brief.
Wag ka nalang pumalag kung ako sayo.. lolz