Siguro naman alam niyo na ang nilalaman nitong blog na ito. Pangalan pa lang ay sounds
family familiar na sa inyo diba. Madalas ito punahin ng mga tao matapos matuwa at maganda sa isang pilipinong pelikula.
Una ang lugar kung san ginaganap ang bakbakan ng leader ng bida at kontrabida.
Kadalasan (wag na kayo umalma, dahil ginuhitan ko na ibig sabihin ay hindi lague) ay sa loob ng isang warehouse nagaganap ang mga bakbakan, kidnapan, at palitang ng mga drugs at kung ano ano pang masasamang ginagawa ng mga kontrabida. dito din nangyayari ang sagupaan ng leader ng bida at leader ng kontrabida. Kadalasan ay susugod mag isa ang leader ng bida at uubusin nia ang mga kampon ng kalaban ng hindi mo malaman kung ilang magazine ng baril ba ang dala nia sa kanya. iisipin mo kung san pwet ng unggoy niya tinatago ang mga magazine ng bala niya. nakakakiliti lang isipin na sa dami ng magazine niya mauubos lang yun pag nagkaharap na sila ng leader ng kontrabida, at gayun din naman ang mangyayari sa leader ng kontrabida.
Eto pang isang kumilita sa aking kilikili sa utak, dahil kapag ang kontrabida ang bumabaril sa bida e halos maubos na lahat ng magazine ng armalite niyang meron pang de sabog hindi mapatay patay ang pesteng bida samantalang isang bala lang ng bida ang katumbas niya. Minsan pa sa ibang palabas ay pag sumama ang leading lady ng bida sa warehouse e hindi sya magkakaron ng kalabang lalake, kundi isang babae din na kung hindi kanang kamay ng lider ng kontrabida e, matinding kaaway, at kadalasan din ay marunong mag martial arts at ang panlaban ng leading lady ay kahoy na styrofoam lamang.
Tutal nabanggit na din ang mga leading ladies, hindi pedeng dalawa ang leading lady sa pelikula. Kung naumpisahan na ang bida e may asawa, malamang sa malamang e mamatay ito at may makikilalang ibang babae ang bida at malamang sa malamang din e mas maganda ito dun sa asawa nung bida.
Pagka nagkaharap na naman ang lider ng kontrabida at ang mismong bida, nagdadaldalan muna ito at dun minsan maiisingit ang title ng mismo ng pelikula, parang ganto..
kontrabida: Valderama, magdasal ka na dahil papatayin na kita
bida:
susuot ka muna sa butas ng karayom bago mo ko mapatay
o diba, hindi talaga yan ung dialouge pero malapit na, atleast nasabi pa dn ang title at pagka tapos ng mahabang satsatsatan at sisihan ng mga nangyari nung sila'y mag partner pa, sabay silang tatalon na tila e nag bilang sila kung kelan sila tatalon sabay putok ng baril at para may suspense, kuniare e mas malubha ang nangyari dun sa bida at naka ngiti ang kontra bida pero ang totoo pala e mas napuruhan yung kontrabida..
Saka naman ngayon dadating ang mga back up na pulis na alam naman nating lagueng maaga *ehem* pagdating sa mga ganyan at kung comedy pa ang palabas e may habol pang kutos ang mga batukang alagad ng bida at kung action naman ay magsasalita pa himalang nabuhay na kontrabida kahit na nabaril na sya.
Ang mga pelikulang pinoy nga naman kahit pare pareho sila e nakakatuwa pa dn at nakakamiss naman pag ikaw ay nasa
bayagang banyagang bansa.